let me speak to you today..

day 63 - urinals

September 1, 2010

     Bago ko umalis umiinom muna ko ng dalawang basong tubig para makaiwas sa heatstroke at dehydration, oo tagulan na at malamig wala na sigurong heatstroke pero pwede ka pa rin namang matuyuan. Sa araw-araw nga bago ako pumasok ay ganyan na ang rutin, kaso sa haba ng nilalakad ko mula pagsara ko ng gate ng bahay namin hanggang sa kanto at sakayan ng tricycle papuntang bayan at ang mahaba pa uling lakad papunta sa terminal ng jeep, palagi na lang akong naiihi kaya ang unang stop ay ang cr na may bayad na dos sa tabi ng terminal ng jeep, may pinto itong yero para di ka  makita nung mga nakapila. Hindi ako nagbabayad dito, wala namang naninigil isa pa nakahanda na ang sasabihin kong “sasakay naman ako.”

     Ang mahirap ay pag nakasakay ka na sa jeep saka bigla kang naiihi, badtrip yung pakaldag-kaldag ng jeep sa puputok mo ng pantog, naalala ko tuloy yung isa kong kaklase, dalawaw silang naginuman at tapos ay bumyahe para pumunta uli sa isa na namang inuman, habang nakasakay sila sa jeep ay pinara nya yung jeep at sinabing “mama tabi mo muna sandali iihi lang ako” tang ina, ang laking iskandalo sa loob ng jeep malamang yung mga pasahero pinanood pa syang umihi sa kung san mang damuhan o poste o pader. Habang bumabyahe ka at naiihi ka na, nakakabwisit yung mga taong bumababa at sumasakay ng jeep ang sarap murahin. Sa isip mo naman ay nagliliwaliw ka para makalimutan mong naiihi ka na, minsan nga lang mas matimbang ang itlog sa utak, mas mapilit kaya no choice, dadamahin mo ang pagpipigil habang tinatanaw mo ang nadaraanan at naiisip na ang tagal naman ng sentral

     May MMDA urinal sa sentral, dun ako palaging umiihi in times like this. Etong mga nagdaang araw e may kung sinong gago ang naglagay ng malapad na bato dun sa loob ng urinal sa tapat nung yerong ihian. Wala kang magagawa kundi tumuntong at umihi, tapos sa labas ay kita kalahati ng mukha mo, para ka tuloy sundalong nakamasid sa bunker at nagbabantay ng kaaway, ang lakas ng trip nung gago, mamaya may mapadaan pang kakilala at mamukaan ka at sisigaw para tawagin ka. lol.

 

 

 

Posted by dailykwoklongg at 9:54 pm | permalink | Add comment

Sponsored Links

kwoks

read my daily kwoks! in tweeter you call it tweets but hey you're in my site and i call my entries kwoks :)

kwok it!

sherleng:

nice! nice !

Funny Youtube Videos:

Nice to stumble on your site.. You’ve got nice articles/blog here :)

dailykwoklongg:

there’s a comment section below each kwoks. Please also visit kwoklongg.i.ph

dailykwoklongg:

Message me here! Say your compliment and violent reactions here.

Leave a message ▼