Kanina nanood ako ng wrestling, naglalaban si kane at rey mysterio. Ngayon lang ulit ako tumutok para manood ng isang laban ng wrestling, gradeschool pa ata ako nung huli kong sinubaybayan ang wrestling at ang drama sa likod nito, at oo bukod sa pag-aabang ko sa mga laban ni chris jericho sinusubaybayan ko ang script ng wrestling. Nakakatuwa na hanggang ngayon ay marami pa ring nalolokong manood nito, punong puno pa rin ang arena at andun pa rin ang mga banner ng mga kano na nagsasabing ” <name> was here>” parang wowowee lang na nagbabandera ng pangalan ng pamilya at bansang pinanggalingan abroad. lol.
Pero ganto lang yung format ng wrestling, magpapagulpi muna tapos sa dulo mananalo sa pamamagitan ng isang lucky move na sasabayan naman ng “super” kumbaga sa mga video game e eto yung unique finishing move para matalo ang kalaban. Kanina nagkakapalitan lang ng lamang, magugulpi si rey, magugulpi si kane, alternate lang pero nanalo si kane dahil sya ang world heavy weight champion at hindi napapalitan ang champion ng ordinaryong episode lang, kailangan muna ng special wrestling event katulad ng summer slam, wrestlemania, backlash, no mercy. Yun yung exciting panoorin pero madalas ko lang matsambahan, bihira ata ipalabas dito sa pinas kahit sa cable naman ako nanonood nuon sa solartv na jacktv na ata ngayon.
Madalas i-replay ang wrestling, halos araw-araw nga ata sa loob ng isang linggo ay meron. Okay din na pampalipas oras kahit alam mo na kung sino ang mananalo dahil napanood mo na nung isang araw, kung bakit kasi hindi mo inabutan yung scoobydoo at popeye sa cartoon network. Destiny yung cable namin kaya wala kaming animax at hero kaya nagtyatyaga na lang ako noon sa pagdaplis ng tom&jerry, saka yung wowow pag friday at saturday ng gabi kaso natuklasan ata ng destiny na may rated R dun pag ganung araw kaya nung tumagal ay si-nencored na nila, tapos nung tumagal dahil kailangan mo lang takpan ng puting tela yung parteng nakacensored e shinutdown na nila yung channel sa buong oras nung palabas. Nagsolo yung mga nagmomonitor. Dati ay hindi rin cina-cut ang mga palabas sa pbo, pag bandang gabi na e makakanood ka ng bomba films nila joyce jimenez, ara mina, asunta, at kung sino sino pa.
Wrestling ang topic hindi bold movies, dati ay paniwalang paniwala ako na totoo ang wrestling. Hindi pala totoo ang mga suntok, may kasabay palang padyak sa platform, sa ilalim ng platform ay may mic para magmukang malakas kasama nung mga lamesa at hagdan na ginagamit ng dudely boys, D-von get the table!! Tapos yung referee ay nagtitip minsan kung ano ang mangyayari. At yung mga dugo effects, totoong dugo yun pero sadyang hiniwa yun ng duguang wrestler gamit ang blade, isang araw lang naman galing na. lahat ng pambabalibag ay may suporta pa rin at dinaan lang sa bilis para magmukhang matindi. Kahit yung stunler ni stone cold steve austin ay may suporta yung kamay nya sa ilalim ng leeg nung kalaban, alalay sa pagbagsak. At marami pang ibang trick na pinakita sa exposed. Humina ata ang market ng wrestling pero baka hindi rin, ang tao kasi kahit alam nyang niloloko sya e nakikiride pa rin.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.