Naka-upload na sa youtube ang video ng isa kong kaklase para sa kaniyang writing exercise, ang pag gawa ng kwento mula sa sinumite naming mga pictures. Sa totoo lang mahirap gawan ito ng kwento dahil puro mukha namin ang laman ng pic, halos walang bagay na maaring pagdaluyan ng kwento. Ang ginawa nyang kwento ay nagfieldtrip daw kami sa klase at na-aksidente ang sinasakyan naming bus. Nakausap niya si San Pedro at nireveal sa kanya kung ano ang mangyayari sa amin pagkatapos ng sampung taon, parang class prophecy lang nung highschool. Ang sabi ay magbabakasyon daw ako sa Malaysia para isulat at ikumpara at makita ang pagkapareho ng kulturang pilipino at malayo. Ang lahat ng nasa larawan ay naging matagumpay sa aming larangan ang pagsusulat. Nakakatuwa rin naman at naiisip kong attainable naman ang mangyayari sakin, para tuloy nabubuo sa isip ko na kailangan kong makarating ng Malaysia at tuparin ang propesiya. Ginawa ko rin itong exercise na to, ang ginawa ko naman ay ginawa kong mga magsasaka at mga kapitalista ang mga larawan, ok na rin siguro o baka dahil gawa ko kaya ko nasabing ok. Ang maganda sa video nya ay ginamitan nya ng Audio, nag-input sya ng dialogue, ang pag-uusap nila ni San Pedro. Naglagaly din naman ako ng audio, kanta nga lang pero ayos yung naisip nya magaling, simple pero nakakainspire. Paano gagawin ang misyon? Basta magsulat ka.
Dahil agitated ako sa ginawa niya, naisip ko tuloy magpost dito sa blog na nitong mga nakaraang araw ay kinakatamaran ko na. Dapat ko nang tapusin… simulan yung ginagawa kong bagong kwento, tapos ipapaworkshop ko muna bago ko ipasa para makinis na at wala na masyadong reklamo si ser jun, syempre lalaitin pa rin nya yun pero baka magtaka na sya at ang tindi ng improvement, di nya alam pinaworkshop ko muna sa iba bago ko ipakita sa kanya.
May mga magandang tula rin akong nabasa kanina, mga tula ni Bertolt Brecht. Ang galing lang. Nakadagdag din sa inspirasyon para magsulat ulit, di ko tuloy alam kung dapat na kong matulog ngayon dahil pagod na rin ako sa dami ng ginawa namin kanina o magsusulat na lang ako bago pa mawala yung inspirasyon. haha
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.