Sing laki lang daw ng kwarto ko ang utak ko, dahil wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko, nagbabaliw-baliwan daw ako pinipilit kong pigain ang laman ng utak ko. Lumabas ka kaya? At nang makita mong hindi lang ikaw ang tao sa mundo, at ang utak mo ay mapapadpad sa bawat makita mo. hindi nakakahon sa kwarto. Yan ang sabi samin kanina ni ser Jun, isa lang daw ang problema ng manunulat, kung ano ang isusulat, hindi ka raw mauubusan. Hindi ka raw totoong writer kung ang mga dahilan mo ay: wala kang pera, wala kang kompyuter, di mo alam ang ispelling, writer’s black, wala kang oras. Kung papansinin lang daw natin ang paligid at bumuhay ng karakter mula sa mga nangyayari, hindi ka mauubusan ng isusulat. Hindi ko masyado maipaliwanag, mas maganda yung sinabi nya kanina pero paglabas ko ng kwarto nya natanaw ko ang mundo, ang mundo sa pagitan ng bahay ko at ng paaralan.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.