Idol ko si Marlou Aquino, noong bata pa ako napapanood ko na sya sa pbl sa channel 4 palaging nakakashoot, at dahil wala akong konsepto ng pagkatalo ay lagi lang akong kumakampi kung sinong nakakalamang pero palagi sya nakakascore kaya medyo bumilib na rin ako. Tapos na draft sya sa pba, first pick sya ng ginebra, ayos na ayos bukod kasi sa marami rin sa mga kalaro ko ang fan ng ginebra ay doon napunta si marlou kaya naging ginebra fan na rin ako. Naalala ko pa yung championship ng gordon’s gin, bumibili pa ko ng sticker kela ate Lynn’s sa may waiting shed sa labas ng school namin na kinabit ko sa dingding ng kwarto namin dati. Pagkatapos ng rookie year nya, pinapirma na sya ng maximum contract kaya din yata tinamad na sya maglaro dahil kahit naman galingan nya o hindi ay pareho pa rin ang bayad pero malakas pa rin siya maglaro at napasama pa ng ilang beses sa national team. Tandang-tanda ko pa ang mga rebounds, supalpal, paikot sa bewang freethrow at ang walang kamatayang kilikili shot.
Noong nagdatingan ang mga kano para sakupin ang pba, tuluyan ng nawalan ng gana si Marlou. Yung mga bolang pwede nyang maabot ay pinababayaan na lang nyang ma-out of bounds, pag may magfe-freethrow ay nasa half court na sya para konting takbo na lang. Tinamad yata maglaro ng bola dahil nahaluan na ng mga kano ang pba na noon ay pinaghaharian niya at mas matatangkad ang mga kalaban nya ngayon. Naiintindihan ko naman ang sentimyento nya, ang pba ay para sa mga pilipino kaya naging policy tuloy ng slr na kumuha lang ng purong pinoy sa mga draft kaya ang resulta lagi silang kulelat. Hanggang sa magbago sila ng patakaran at nagsimulang kumuha ng fil-am at sa kamalasan ang unang fil-am nilang dinraft ay ayaw naman maglaro sa kanila.haha. Tapos ay nadraft na si Kelly Williams at si Ryan Reyes at nagchampion uli ang team ni Marloumukang ginanahan ulit maglaro at nadadala sa energy ng mga team mate.
Lumalakas din maglaro si Marlou, pag malapit ng matapos ang kontrata. Nagpapakitang gilas at nang ma-renew at tumagal pa. Ngayon nga sa pagkabuwag ng SLR ay binigyan sya ng isang conference, mautak ang Meralco para siguraduhing magpeperform ay isang conference lang ang binigay at di isang taon, di na nila hinayaang mamera pa si Marlou. Malabo na rin may kumuha sa kanya dahil matanda na siya at maximum pa ang bayad.
Si Marlou ang nagpasikat ng kilikili shot, ito yung lay-up na padadaanin sa kilikili ng kalaban, palagi na lang pinapansin ito ng mga commentator at pinagtatawanan “Marlou, kilikili shot”. Kahit nga ibang player na ang gumawa ay naikakabit na kay marlou yung move palaging sinasabing nakopya sa kanya o kaya namay tinuran nya.Sana magtagal pa si Marlou, maraming score,blocks, rebounds at syempre kilikili shots.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.
Ginebra! Siyet i remember his kili kili shots! haha Fave ko before si Bal David. Memorize mo ang Pag Nananalo ang Ginebra? haha
Posted by Eejay at September 26, 2010, 1:38 am