Nag-aaral akong mag gitara. Third year highschool pa noong una akong matuto at nakakalungkot na parang hindi man lang ako nag-improve. Strumming lang ang alam ko at mali-mali pa. Iisa ang pagstrum ko sa lahat ng kanta kaya tuloy minsan e ibang kanta ang naiisip ng nakakarinig sa kantang tinutugtog ko. Nag-aaral akong mag gitara. May libro dito na pang jazz, puro exercise pa lang sa simula at nakakadalawang set pa lang ako ng G chords. Tulad noon ay namimilipit ang mga daliri ko sa pag switch ng chords pero habang tumatagal ay dumadali ito. Napapansin ko ang improvement ng mga daliri ko. Wala pa akong pick ng gitara. Meron pero nakakasampung pick na ata ang nawala ko at yung huli ay di ko na makita. May isa pa kong problema, hindi ko maaalala yung chords, yung mismong pangalan basta ang naaalala ko e yung position ng mga daliri at naiwan sa pagpasok sa utak yung pangalan nung chords dahil matindi ang konsentrasyon sa namimilipit na daliri para mailagay sa tamang kuwerda. Gusto kong maging magaling na gitarista, pangarap naman ito siguro lahat nang marunong mag gitara. Hindi naman maging sikat, basta mahusay lang. Yung tipong iikot ang gabi at ang paligid kapag narinig ang himig ng gitara. Sa isang kumpol ng tao, sa isang tambayan. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para mag-aral at matuto, hindi pa huli para sa kahit na kanino ang gawin ang bagay na gusto nila upang maging sila ang iniisip nilang gusto nilang maging sila. Kung may madaraanan ay bibili ako ng pick ng gitara pagpasok ko mamaya. Isisingit ko sa mga bakanteng oras tulad ng pagsingit ko sa pagbabasa at pagsusulat. Nagiging right brain person na talaga ako. lol.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.