Stream of consciousness. Bahala na kung anong dumaloy at maisulat basta tuloy-tuloy lang. Na sasabayan naman ng alt-tab para mapunta sa kabilang browser. Di kaso compatible tong blogsite sa google chrome kaya nagdadalawang browser pa ko. Sulat na rin kasabay ng pagba-buffer ng isang kanta sa youtube. Ang hirap ng nakatanga at gumagawa ng wala. Sayang ang panahon at ang balita ko malapit na raw ang doomsday sabi nung isang nahihibang. Ayos lang naman kung matapos na ang mundo wala naman akong paki kung mamatay na tayong lahat ang ayoko lang ay mabuhay na may nagsasamantala. Hindi naman ibig sabihin na meron ay magpapakamatay na ko. Sa halip ay nais kong pawiin iyon upang lumikha ng mas magandang mundo. Yung kaayusan na gugustuhin mong pamuhayan. Nagugutom ako. Wala akong magawa pero may dapat akong gawin. Dapat na kong magsulat. Dapat na akong makagawa ng kahit na walong chapters sa linggong ito. Balak kong ipasa sa Thursday. Kaya naman siguro ng dalawang chapters isang araw. Basta gagawin lang. Yung isang subject ko napabayaan ko na. Gusto ko na i-drop. Di ko lang alam kung pwede pa. Tanginang yan. Wrong move talaga yun at nagkapasok pa ko ng araw-araw. Sa halip na marami na kong nabasa. Pahirap pa. Tangna. Malas. Nagugutom ako at gusto ko kumain. Kaso ampanget na ng lifestyle ko. Nagiging health concius na ko at balak ko na itigil ang mga bisyo. Pero kung titignan, yung mga healthy living nagkakacancer din. Maparikala talaga ang buhay. Kung minsan iniisip ko rin na para saan pa at kung tamaan ka ng baril ay patay ka din kahit gaano ka pa magpalakas ng katawan. Maganda pa yung nagbisyo ka at naenjoy mo yung buhay kung ganun din lang ang kamamatayan mo. Hedonistic ang tao. Puro sarap lang ang alam. Astig.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.