Tanginang katamaran. Kailangan ko magsulat ngunit nasayang na naman ang araw. Kung minsan gusto ko nang ipaputol yung internet dahil wala akong magawa kakafacebook. Pero hindi naman ang mga bagay ang problema, ang problema ay ang sarili. Alam kong may dapat akong gawin pero hindi ko ginawa. Wala ata akong konsepto ng responsibilidad. Pepetiks-petiks pa rin ako hanggang ngayon. Gusto ko naman magbago. Tangnang yan. Kailangan kasi maging habit ang pagsusulat. Kailangan daw ng 21 days para masabing habit mo na ito at kailangan ng limang araw na tuloy-tuloy na ginagawa para madevelop ito at magtuloy sa pagiging habit. Di ko naman masimulan magsulat para sa proyekto kong nobela. Alam kong marami na akong nabasa at marami na akong napulot na aral at teknik para sa proyekto pero sadyang di ko masimulan. Nag-iisip-isip ako kung anong magandang mangyari sa kwento. Pero hindi ko maisulat. Putang ina talaga. Di naman ako naniniwala sa writer’s block at matagal nang naipaliwanag sa akin na hindi iyon totoo at dahilan lang yun ng writer dahil may iba siyang gustong gawin sa or as na dapat siyang nagsusulat. Tama iyon. Gusto ko lang tumanga ngayon. Kahit alam kong isa sa mga araw ng linggong ito ay kailangan ko ng magproduce ng ilang chapters. Back to start pa naman ako at walang nangyayari sa nauna kong pinasa. Ayoko naman gumawa ng bagong proyekto. Gusto kong matapos tong proyekto ko ngunit hindi naman ako makausad. Putangina. Badtrip talaga. Ako ang may mali. Kailangan ko nang baguhin ang sarili ko.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.