Hardcore. Tinatamad na akong i-maintain tong blog na to. Kaya siguro ay titigilan ko na. Pero hindi ako titigil sa pagsusulat. Mas sa diary na lang siguro. Napaglingkuran din ako ng blog na to kahit paano at alam kong may babalik-balikan akong alaala sa gawing ito ng internet. Isang taon din ako nagsulat dito na panay tungkol sa sarili kaya hindi ko rin mabanggit sa iba pag may nagtatanong kung may blog ako. Ang dating e high na high ako sa sarili ko at puro tungkol lang sakin ang pinagsasasabi ko. Ayoko rin namang makabasa ng akdang puro tungkol lang sa nagsulat. Sino ba ako? Bakit ako dapat basahin? Walang kwenta kung puro ako na lang. Kaya wawakasan ko na to. Writing as therapy. Sa notebook na lang mas mainam pa at madadala ko kahit saan. Walang problema kung walang pc, laptop at kuryente. Ballpen lang. Tapos na to. Hanggang dito na lang siguro. Maraming salamat sa mga naloko kong pumunta dito.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.