Sinubukan kong tawaran yung libro sa booksale kaso hindi pumayag si ate. Ayaw pa niya e wala namang bumibili sa branch na yun. Nagsusurvive lang dahil sa mga school and office supplies. Yun lang ata ang booksale na hindi nagpapalit ng libro halos isang buwan na yun at yun pa rin ang tinda nila. Wala pa akong najajakpat na nobel prize winner ngayon. Mukang kailangang dumalaw sa ibang branches. Binabasa ko na si Toni Morrison, yung libro niyang beloved. Nakakadalawang chapters pa lang ako pero tingin ko ay maganda naman. Kaya ko sigurong tapusin sa limang oras na tuloy-tuloy na pagbabasa. Basta wag lang akong lalamunin nitong internet katulad kahapon at nasayang ang buong araw ko. Nagbabasa ako ng zizek ngayon para gawan ng paper sa isang subject. Ayos na rin kahit mukang kailangan kong simulan uli yung chapter na binabasa ko at naguguluhan na ko at naistorbo ako ng pagchachat kahapon hanggang sa magchat na lang ako at di na magbasa. Siguro babasahin ko na tong beloved hanggang 10 ng gabi. Bukas ko pa to matatapos sigurado pero ayos na rin at matagal na rin akong hindi nakakapagbasa. Iiwas na rin siguro ako sa booksale at halos araw-araw akong nandoon at pare-pareho lang ang tinda. Mainam na rin na mabasa ko muna tong mga libro dito. Sayang e, naiimbak lang. Sana me booksale na may nakadisplay na love in time of cholera. Bibilhin ko kahit namamahalan ako. Siguro mga 180 yun. Nasa 200+ yun pag sa national binili. Gusto ko lang ng kopya at makatipid kahit kaunti. Pwede rin namang pa-bookcopy na lang kung may kakilala lang ako na mahihiraman. Must have yung libro na yun. Hardcore. Bakasyon na rin ako sa wakas. Parehong INC sa dalawang subject. Ayos lang. May dalawang linggo ako para magbasa ayos.