Sinisipon na naman ako, kailangan kong uminom ng maraming tubig. Sa madaling sabi ay beer na maraming yelo katulad nung ginawa ko noong pasko. Maswerte pa ko noon at walang pasok, nakakahiya na baka habang nagsasalita ang prof ay tumulo ang uhog ko. Isa pa ay hindi ako sanay ng nagtitissue sa panyo lang ako sumisinga na alam kong unhygienic. Nakakulong din naman ako kung sakali ay pagtatyagaan ko na lang bantayan yung ilong ko sa isa’t kalahating oras ng klase at diretso uwi na para makapagbasa at makapagsulat. Daan kaya muna ako sa lib at marami akong librong kailangang hiramin, mga nobela mostly. Dun sa bulwagan ng dangal na totoong maraming libro kumpara sa ninoy aquino learning research center ng pup. Masarap lang matulog dun bago mag algebra sa hapon. Ang totoo ay mas masarap matulog sa klase ng algebra.
Alas nuebe pa lang nang gabi. Marami pa akong magagawa bago ako matulog nang alas dose. Well, bago piliting matulog ng alas dose. Irerevise ko yung kwento ko. Tapos isasubmit ko sa wednesday. Nakakahiya na nung friday ko sana dapat ipasa pero di na ko nakapasok ng dalawang araw dahil sa masamang pakiramdam. Masarap din naman palang magbasa, naeenjoy ko to ngayon. Sana ay noon ko pa to ginawa, noong college. Dapat di ko sinayang yung buhay ko sa pagiging happy go lucky at pagdodota matapos ang klase. Noong elementary ako ay may ilang beses din akong nagdala ng libro sa skul at tumitigil ang mundo ko tuwing recess at nagbabasa lang ako, o baka highschool. Di ko maaalala, di ko alam kung totoong nangyari nga sakin yun o gumagawa lang ng pekeng alaala ang utak ko. lol.